Tag Archives: filipino/tagalog

Pagpaparaos


Hindi sapat
ang mga ideyang naglalaro sa
isipan at lalong kulang ang
mga alingawngaw ng alimbukay
sa dibdib (na nagpupumiglas
mula sa gasang mahigpit na pinanggapos)
para mairaos

ang panghihilab ng tyan

ay hindi laging may kalalabasan
o naghuhudyat na merong mailuluwal
bukod sa mabahong singaw ng hangin na

nakaduduwal

ang paghihintay sa trono
ng kawalan: nauupos na yosing
ilang minuto nang nagmumunimuni; at
tabloid na gusot-gusot at namimilipit
sa kaiire upang mailabas ang
talinhagang matagal nang nabubulok

sa sikmura

nagsisimula nang magalburoto ang lahat
ng dunong na nalulon, ang pangangasim
ang magbabadya sa nalalapit na
pagduming daig pa ang panganganak

sa sakit

pilit huhugutin ang mga tuyong luha
na naimbak sa balong pinalalim ng pagsasa-

bukas

baka sumambulat na
ang pluma mula sa ballpen ko.

16 July 2008
first piece in Filipino; current favorite
recently published in UP Quill’s 17th folio, Sitting Amok: Ganito Kami Umibig (This is How We Love)

Tagged , , , ,